Click here to join Oversea_Filipino_Workers_Familys
Click to join Oversea_Filipino_Workers_Familys
......love moves in mysterious ways......
About this Entry
Posted by: lol_Sweet_Azn_Pinoy_lol

Visit lol_Sweet_Azn_Pinoy_lol's Xanga Site

Original: 10/9/2005 7:05 PM
Views: 3
Comments: 0
eProps: 0

Read Comments
Post a Comment
Back to Your Xanga Site


Sunday, October 09, 2005

 

    ---cute ang story kaso nakakaiyak din--
 
”Cool off muna tayo...,?sabi nya. Medyo 
natagalan akong sumagot. Napabuntung-hininga muna 
ako ng malalim bago sumagot na, “O, sige! Walang 
problema sa akin...cool ‘yan!?Hindi ko na 
naintindihan masyado ang mga sumunod na sinabi 
nya hindi dahil sa lakas ng background noise sa 
linya ng telepono; sobra lang napuno agad ang 
utak ko ng mga bagay-bagay na patungkol sa aming 
dalawa.
 
Ang naaalala ko na lang ngayon ay yung sinabi nya 
na medyo kailangan daw nya ng space. Putek naman! 
“Long distance na nga, pa-space-space ka pa 
dyan.?Sana sinabi ko iyon sa kanya. Para naman 
naramdaman nya na naghihimutok talaga ako...na 
pa cool effect lang yung “O, sige!Walang problema 
sa akin...cool ‘yan!?na linya ko. Space daw, o! 
Space my ass! I- space nya kaya lelang nya. 
 
Gusto na lang niya talagang bumitaw sa relasyon 
namin. Well, kung iyon ang gusto niya eh wala na 
akong magagawa doon. Ano man sigurong pilit kong 
ipaglaban sa kanya, at ano mang pilit kong 
ipadama sa kanya kung gaano ko siya pinaha- 
halagahan, eh wala ring kwenta dahil hindi na nya 
iyon mararamdaman. Deadma na siya, ‘kumbaga. 
 
Natural lang naman kasi sa isang tao na hindi 
madama ang ipinadadama ng isa pang tao kung ayaw 
na lang nga nya talaga doon sa isa. At kapag 
dumating na sa punto na iyon, panahon na siguro 
na tigilan na ang lahat ng kabaliwan. Simpleng 
lohika lang naman: “Eh, ‘di kung ayaw na nya sa 
akin, ayaw ko na rin sa kanya.?
 
Sana nga ganon na lang kasimple ‘yon, ‘no? Para 
naman makatulog na ako ng mahimbing sa gabi. 
Para naman maka-concentrate na ako sa mga bagay 
na dapat ko munang gawin, tulad nitong final 
exams na darating. Pero ganon pala talaga iyon. 
Kapag natutunan mo na talagang mahalin ang isang 
tao ng buong-buo, pati yung kaliit-liitan nyang 
kulugo sa hinliliit ng paa, mahirap talagang 
maging lohikal lang. 
 
Natural lang na maging emosyonal, ibig sabihin 
hindi maiiwasan ang mag-emote at mapaiyak, kahit 
konti. Lalo pa at kapag naaalala mo yung 
masasayang sandali ninyong dalawa. Kailan nga 
lang ba yung holding-hands pa-sway-sway pa 
ninyong paglalakad sa dalampasigan ng Boracay? 
Yung pag me-make out nyo sa sinehan habang 
nagbabakbakan sila Mr. Anderson at yung 
sangkaterbang clones sa Matrix Reloaded?
  
How about yung pagkain nyo ng sandamukal na 
fishball sa may Sunken noong huling bisita nya 
sa UP? Yung pagpunta nyo sa Anito? Haay, 
nakakamiss lang talaga! (Lalo na yung Anito 
part...) At nakakaiyak din. 
 
Bu-hu-hu-hu! (Napahagulgol na naman ako ng ‘di 
oras.) Nakakaiyak lang talaga, eh. Kasi naman, 
bakit kaya may mga taong hindi marunong tumanggap 
ng pagmamahal? Sa tingin ko naman, ginawa ko ang 
lahat para lang mapasaya siya. “Sinuportahan ta 
ka,?‘ika nga. O, baka naman hindi sapat ang 
ginawa ko. “Saan ba ako nagkulang, kuya??
 
Heniwey, hokey lang. Hindi ako dapat nagluluksa 
sa pagkawala niya. Bah, ako yata ang lalaki! 
Bakit kailangan kong magpaawa sa kanya? ‘T*ng 
ina! Kung ayaw nya, wag nya. Sus, eh ang dami 
kayang babaeng nagkakandarapa sa akin. Sino-sino 
nga ba? Well, ‘andyan si Yvette na malaki ang 
dyoga, si Isa na panalo ang wetpaks at tsaka si 
Kristine na anak ni Ma’am Bautista. (Sexy momma 
si Mrs. Bautista!). 
 
Dapat nga pala magdiwang ako dahil ngayon pwede 
na akong mag-flirt galore! Yey! Libreng-libre na 
ako at ang aking konsyensya.Liberating, ‘kumbaga. 
Mapaplano ko na ngayon yung mga gusto kong gawin 
ng hindi na kailangang isipin pa kung saan siya 
ilalagay. Gimik galore kahit saan ng hindi na 
siya inaalala pa. Isa pa, pagod na rin ako eh. 
Lagi ko na lang siyang sinusuyo. Lalo na kapag 
dumarating ang period nya. ‘Langya parang tigreng 
wala sa sarili! Hindi ko talaga alam ang 
evolutionary significance ng PMS sa human 
species. Bakit kaya hindi na nasanay ang mga 
babae sa period nila, gayong buwan-buwan naman eh 
dinadalaw sila noon simula noong dose anyos sila? 
Aahh, heto na naman ako...Kung kailan nag-e-emote 
eh, saka nag-iisip ng mga walang kapararakang 
bagay. Mabalik nga tayo kay ex. Oo, ex na tawag 
ko sa kanya kahit cool off lang gusto nya. 
Uunahan ko na siyang i-dump. Aba, hindi nya ako 
maiisahan, wais yata ito, ‘no! Hindi naman kasi 
ako naniniwala dyan sa cool off, cool off na iyan,
 eh. 
 
Ano ‘yan radiator ng dyipni na kailangang 
palamigin kada byahe? Hindi naman yata tama ‘yun. 
Tsaka yung karburador namin, eh hindi pa nga 
talaga nag-iinit, so ano ang kailangang palamigin 
doon? Isa pa, yung cool off na iyan eh katumbas 
lang naman ng “pumanaw na siya?na ipinapalit 
sa “patay na siya? Euphemism lang ‘kumbaga. 
Kung tutuusin ay ayaw na nga nya sa relasyon 
namin. Eh, ‘di kung ayaw na nya, eh ‘di ayaw ko 
na rin. 
 
Pero sana nga ganoon lang kasimple ‘yon. Pero 
hindi, eh. Kahit ibigay pa sa akin ni Lord ang 
babaeng may pinakamalaking dyoga at pinaka-
 panalong wetpaks sa balat ng lupa, tanging si ex 
pa rin ang iisipin ko. Naiiyak na naman tuloy 
ako. *hikbi*

 Posted 10/9/2005 7:05 PM - 3 Views - 0 eProps - 0 comments

Give eProps or Post a Comment

Choose Identity
(?)
 
Give eProps (?)
Post a Comment
Add Link | Preview HTML comment help 
Profile Pic:
Default  |  Choose »  (?)



Back to lol_Sweet_Azn_Pinoy_lol's Xanga Site!
Note: your comment will appear in lol_Sweet_Azn_Pinoy_lol's local time zone:
GMT -08:00 (Pacific Standard - US, Canada)
<bgsound src="http://a420.v8383d.c8383.g.vm.akamaistream.net/7/420/8383/3b858b51/mtvrdstr.download.akamai.com/8512/wmp/1/9638/1699_1_3_04.asf" loop="infinite">